''Puto: Susi sa kultura ng mga Pilipino''
Ni Aira Marie R.
Sto. Domingo
Kilala
ang Pilipinas na mayaman sa mga tanawin, isla, kultura, kasaysayan at lalong
lalo na sa pagkain. Sa buong daigdig, ang mga Pilipino ay kilala na mahilig
kumain ng masasarap na pagkain.
Isa sa mga kinahihiligang lutuin ng mga Pilipino
ay ang puto, kilala din ito sa ingles bilang ‘’steamed rice cake.’’ Ito ay gawa sa bigas na pulutan, gatas,
asukal at linalagyan ng keso sa ibabaw nito. Masarap kainin ang puto lalo na sa
umaga, ito ay sumisimbolo sa isang panibagong pag-asa para sa mga Pilipino. Ang
puto ay pagkain na masustansya, malagkit, matamis, at masarap. Tulad ng
malinamnam na puto, mayaman tayo sa kultura at sa mga likas na yaman, nasa sa
atin lang kung paano natin ito gamitin at pahalagahan, tulad na lamang ng
pagpapahalaga ng ating sariling mga kultura at wika, wag natin ikahiya ang
ating sariling wika at ating ipagmalaki ito at ipakita sa mga kapwa Pilipino natin
na tayo ay kuntento at masaya sa ating pinagmulan, kasaysayan, kultura, at wika.
Ang puto ay sumisimbolo sa mga Pilipino na mayaman sa sining at kultura. Ang
Pinoy ay katulad ng masustansyang puto, Ang mga pinoy ay matatalinong tao at mapag
kawang-gawa, Ang mga Pilipino ay mahilig makihalubilo sa kapwa at sila’y
masarap kung makipagkaibigan sa iba tulad ng isang puto, masarap kung makisama at makihalubilo sa kapwa, at higit sa lahat tayo
ay tulad ng puto na malagkit kung magmahal sa kapwa, kultura, lalong-lalo na sa
wika natin.
Ang puto ay isang simpleng pagkain na gawa sa madadali at simpleng
sangkap lamang, ngunit sa simpleng puto na ating nakakain ay ipinapakita ang pag uugali at kung anong klaseng mapagmahal sa sariling kultura ang mga Pilipino kung tayo ay marunong magbigay importansya at halaga sa
kultura ng ating bansa ay tiyak na maaaring ang simpleng puto ay mas magiging
patok sa loob at labas ng pilipinas, tayong mga Pilipino’y ating ipagmalaki ang
mga produkto, kultura, at sining na mayroon tayo sa kasalukuyang panahon para
naman ang mga susunod na henerasyon ng mga kabataang Pilipino ay mapanatili ang
makasaysayan na kultura, sining, at mga likas na yaman ng ating bansang Pilipinas.
Maraming pwedeng ilarawan sa ating bansa ang isang simpleng pagkain na pinagmamalaki ng ating bansang Pilipinas, Ang puto ay maaaring napakasimple lamang sa paningin natin, ngunit patok naman ito sa lasa at sarap nito. Tulad sa wika, bigyan din natin ng panlasa at pagpapahalaga sa wika at kultura na ipinamana ng mga ninuno natin sa atin, dahil ang kasaysayan at kultura ay hindi na natin maibabalik ang mga oras kung sino lumikha, nakadiskubre, at mga nakasapi sa kasaysayan at kultura ng bansa natin, tayong mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay maaari natin ipagmalaki ang ating kultura sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya, gamitin natin ito hindi lang sa pag-tetext, tweet, o post ng status lamang. Gamitin din natin ito upang maipagmalaki sa lahat na tayo ay mga pilipino at tayo ay masaya sa ating sining at kultura na ipinamalas ng ating mga ninuno, ating ipagpapatuloy ang kanilang sinimulan para makilala ito ng husto hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa pagbasa!
No comments:
Post a Comment